dzme1530.ph

Pagbangga sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda na ikinasawi ng tatlo, walang kaugnayan sa isyu ng West Philippine Sea

Nilinaw ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Artemio Abu na walang kinalaman ang ramming incident na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong Pilipinong mangingisda sa isyu sa West Philippine Sea.

Sa ambush interview, sinabi ni Abu na ang pinangyarihan ng insidente ay tinatayang 180 nautical miles mula sa Agno, Pangasinan.

Una nang iniulat ng PCG na nakatigil ang Filipino fishing boat, 85 nautical miles Northwest ng Bajo de Masinloc, nang salpukin  ito ng oil tanker na mayroong watawat ng Marshall Islands.

Inihayag ni Abu na ipinag-utos na niya ang isang marine casualty investigation at inimbitahan sa Maynila ang mga nakaligtas na tripulante upang personal silang makuhanan ng impormasyon tungkol sa naganap na insidente. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author