dzme1530.ph

Dr. Solante: Nipah-virus, nakakahawa, nakamamatay

Nananatiling Nipah-virus free ang bansa.

Ito ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante kasunod ng deklarasyon ng outbreak ng sakit sa Kerala, India.

Aniya nakakahawa at nakamamatay ang Nipah virus kung kaya’t hindi dapat balewalain at kinakailangang paghandaan ng pamahalaan ang posibleng pagpasok ng virus sa bansa.

Taong 1998 pa umano nadiskubre ang Nipah virus sa bansang Malaysia na kumalat sa ibat-ibang bansa.

Matatandaang 2014, nang makapagtala ng unang kaso ng impeksiyon ang Pilipinas matapos kumain umano ng karne ng kabayo ang isang residente mula sa Sultan Kudarat.

About The Author