dzme1530.ph

Malakanyang, tikom ang bibig sa anibersaryo ng Martial Law

Tikom ang bibig ng Malakanyang hinggil sa ika-51 anibersaryo ng Martial Law kahapon, Setyembre a-21.

Kinumpirma rin ng Presidential Communications Office na hindi sila maglalabas ng pahayag kaugnay ng anibersaryo ng Martial Law.

Matatandaang noong Setyembre a-21, taong 1972, nang ipatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar.

Ito ang naghudyat sa pagsisimula ng diktadura.

Ang anibersaryo ng Martial Law ay sinabayan naman ng kilos-protesta ng iba’t ibang militanteng grupo. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author