dzme1530.ph

Pag-apruba ng 2024 GAB sa 3rd at final reading, tiniyak ni House Speaker Romualdez

Kasunod ng sertipikasyon bilang “urgent” ang 2024 General Appropriations Bill o House Bill 8980, tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ipapasa ito sa 3rd and final reading bago magsara ang sesyon ng Kongreso sa susunod na linggo.

Para kay Romualdez ang sertipikasyon ay patunay na kinikilala ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na programa at serbisyo ng pamahalaan.

Pagtupad rin aniya ito sa pangako ng Pangulo sa taumbayan sa magap at epektibong serbisyo.

Hindi pa man naaaprubahan pinasalamatan na ni Romualdez ang 310-House members sa walang kapagurang pagbusisi sa panukalang P5.768-T 2024 budget.

Tiniyak din nito na kahit mabilisan ang pagtalakay sa budget, sinisiguro nila na sumusunod ito sa mataas na panuntunan. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author