dzme1530.ph

Senado, handang dagdagan ang pondo ng DOST sa susunod na taon

Tiniyak ni Senador Francis Tolentino na handa silang bigyan ng dagdag na pondo ang Department of Science and Technology (DOST) kung magsasagawa ng pag-aaral sa pagkasira ng mga bahura sa ating mga sakop na karagatan.

Sa pagdinig sa panukalang 2024 budget ng DOST, binanggit ni Tolentino ang problema ngayon ng bansa sa pagkasira ng mga bahura sa Rozul reef at sa Escoda Shoal na sinasabing kagagawan ng mga Chinese maritime militia vessels.

Naitanong ni Tolentino sa DOST kung may tanggapan ang ahensya na makakapagsagawa ng pag-aaral sa pagkasira ng mga coral reefs, coral discoloration, proteksyon ng maritime environment at rehabilitasyon ng mga dead corals na nadurog dahil sa ginawang pagsira.

Pangunahing concern ng senador kung paano maibabalik ang buhay ng mga bahura para makabalik at makapagparami ang mga isda at iba pang marine life.

Tinukoy pa ng senador na hiwalay itong pag-aaral sa UP Marine Science Institute.

Kung magagawa aniya ang kanyang mga nabanggit ay handang handa ang Senado na suportahan at dagdag ang kanilang pondo para sa nasabing scientific study na ito.

Tugon naman dito ni DOST Sec. Renato Solidum Jr., mayroon na silang existing na ganitong pagaaral na tinatawag nilang coral reforestation. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author