Nag-presenta ng credentials kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong ambassadors sa Pilipinas ng mga bansang Switzerland at France.
Sa seremonya sa Malakanyang ngayong Miyerkules ng hapon, humarap sa Pangulo si Swiss Confederation Ambassador Designate Nicolas Bruhl.
Siya ang pumalit ay former Swiss Ambassador Alain Gaschen.
Samantala, nag-presenta rin ng kanyang credentials si French Ambassador Marie Fontanel, na pumalit kay former French Ambassador Michèle Boccoz.
Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa seremonya sina Executive Sec. Lucas Bersamin, at Foreign Affairs Undersecretary Jesus Domingo. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News