dzme1530.ph

Pamamalagi ng Chinese Maritime Militia sa Rozul Reef at Escoda Shoal, nagdulot ng matinding sa marine environment at coral reef

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang inilabas na ulat Armed Forces of the Philippines – Western Command (AFP – WESCOM) ang pagkasira ng marine environment at coral reef sa Rozul Reef at Escoda Shoal.

Sa datos ng PCG mula August 9 hanggang September 11, tinatayang nasa 33 Chinese vessels ang namataan sa karagatang sakop ng Rozul Reef at 15 naman sa Escoda Shoal.

Kinumpirma ito ng BRP Sindangan at BRP Cabra na nagpapatrolya sa paligid ng West Philippine Sea.

Kaugnay nito, sinabi ni PCG Spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela na nagsagawa na ang PCG ng underwater surveys sa seabed ng Rozul Reef at Escoda Shoal kung saan halos wala nang buhay na makikita sa marine ecosystem at maging ang mga coral ay nasira na.

Dahil sa patuloy na iligal at mapanirang aktibidad ng Chinese Maritime Militia sa Rozul Reef at Escoda Shoal, possible na tuluyang masira at mawasak ang marine environment sa West Philippine Sea. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author