dzme1530.ph

Pagpaslang sa isang opisyal ng IBP, mariing kinondena!

Mariing kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagpaslang kay Atty. Ma. Saniata Liwliwa Gonzales-Alzate.

Sa press statement, si Atty. Gonzales-Alzate, Commissioner on Bar Discipline ng IBP, ay binaril sa harap ng kanyang bahay sa Bangued, Abra noong September 14, 2023.

Ayon sa IBP, ang pagpaslang sa biktima ay paalala sa mga bantang kinakaharap ng mga abogado, hukom at mga opisyal ng korte sa buong bansa.

Kaugnay nito ay nananawagan ang IBP sa National Bureau of Investigation, Philippine National Police at lahat ng ahensiyang may kinalaman sa imbestigasyon na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa insidente gayudin ang iba pang karumal-dumal na krimen.

Apela ng IBP, tiyakin ng law enforcement agencies ang madaling imbestigasyon at panagutin ang tunay na may kagagawan ng krimen. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author