dzme1530.ph

Mga lumabag sa premature campaigning, pumalo na sa higit 600

Umabot na sa 626 na show cause order ang inihain ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kakandidato na inirereklamo dahil sa maaga nitong pangangampanya para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, na kahapon lang ay nakapaghain na sila ng 156 na show cause order sa mga kandidato at nadagdagan pa ito ngayong araw matapos makatanggap ng mga panibagong inirereklamo na nakitaan ng paglabag sa premature campaigning.

Dahil dito patuloy na pinaalalahanan ng COMELEC ang lahat ng mga kandidato na sa darating pa Oktubre 19 ang simula ng kampanya o campaign period at magtatagal ito hanggang Oktubre 28, 2023 –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author