dzme1530.ph

14 na tauhan ng SIBAMA PCP, sinibak ni MPD Chief Gen. Dizon

Inihayag ni Manila Police District (MPD) Chief Police Brig. Gen. Andre Dizon na tinaggal niya sa pwesto ang buong personnel ng isang Police Community Precinct (PCP).

Kabilang na ditto ang 14 na tauhan ni Simon-Basilio-Maceda Police Community Precinct (SIBAMA PCP) ng Sampaloc Police Station at ang Commander ng SIBAMA PCP na si Police Maj. Jade dela Torre.

Ayon kay Dizon, inireklamo ng mga residente ng Sampaloc ang buong unit ng SIBAMA PCP dahil hindi maramdaman ang presensiya ng mga ito.

Hindi rin aniya nagpapatrolya at wala rin ginagawang police visibility sa lugar.

Pamsamantala namang uupo bilang OIC ng SIBAMA PCP si Police Lt. Palomino na mula sa MPD District Mobile Force Battalion.

Dagdag pa ni Dizon, isasailalim sa refresher course ang mga na-relieve na pulis MPD District Mobile Force Battalion. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author