dzme1530.ph

Mga karagdagang pasilidad sa EDCA sites, inaasahan sa 2024

Inaasahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagtatayo ng mga karagdagang pasilidad sa mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa bansa sa susunod na taon.

Kasunod ito ng kaniyang pagbisita kahapon, Setyembre a-13 kasama sina US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at US Indo-Pacific Commander Admiral John Aquilino sa Lal-Lo Airbase at Camilo Osias Naval Station sa Cagayan at Basa Airbase sa Pampanga.

Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Enrico Gil Ileto na naging pagkakataon ang pagbisita sa EDCA sites upang makita pa ang mga kailangang itayong pasilidad.

Kabilang dito ang pagbuo ng pier na may watering facility at shore power, multi-purpose storage facility, refueling stations, at humanitarian and disaster response warehouse. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author