dzme1530.ph

Malakanyang, kinumpirmang si VP Sara ang caretaker ng bansa habang nasa Singapore si PBBM

Kinumpirma ng Malakanyang na si Vice President Sara Duterte ang nagsisilbing caretaker ng Pilipinas habang nasa Singapore si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, sa araw ng Linggo pa babalik ng bansa ang Pangulo.

Samantala, sinabi rin ni Garafil na sa pagpapatuloy ng foreign trip ng Pangulo sa Singapore ay makikipagpulong ito sa mga hindi pa pinangalanang business groups.

Matatandaang kasabay ng kanyang kaarawan kahapon ay dumalo ang Pangulo sa 10th Asia Summit sa Singapore kung saan iprinisenta niya ang Pilipinas bilang isang investment destination.

Si Marcos ay nakatakda ring manuod ng Formula 1 Singapore Grand Prix. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author