dzme1530.ph

Sexbomb Izzy, hindi suportado ang pagiging drag queen ng anak; Andrei Trazona, bumuwelta!

Bumuwelta si Andrei Trazona anak ni Sexbomb Izzy makaraang ihayag ng kaniyang ina sa social media ang pagtutol nito sa kaniyang pagiging drag queen.

Sa caption ni Andrei sa kaniyang post sa X, dating Twitter, sinabi nitong “It’s like saying I love you because you’re my son but I don’t accept you for who you are,” na tila tugon nito sa naging mensahe ng kaniyang ina.

Nabatid na sa Facebook post ni Izzy, binanggit nitong hindi niya sinusuportahan ang mga bagay na makapagpapahamak sa anak, kasabay ng paglalahad na nami-miss niya na si Andrei at patuloy na isinasama sa pagdarasal.

Gusto lang aniyang protektahan ang kaniyang mga anak laban sa paglabag sa pananampalatayang mayroon ito kay Kristo.

Isa si Andrei sa mga kalahok sa unang season ng drag competition ng Viñas Deluxe, ang “Bunganga Battle Royale.”

Sa kanyang introduction video, nakadamit ito bilang si Sofia na kanyang drag persona at tinukoy ang sarili bilang “The Sexbomb Legacy”. –sa panulat ni Suzzaine Bosch

About The Author