dzme1530.ph

Publiko, pinag-iingat ng PCO sa mga hindi beripikadong impormasyon kasunod ng bumulagang bomb threat sa MRT

Pinayuhan ng Presidential Communications Office ang publiko na umiwas sa pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon, kasunod ng bomb threat na bumulaga kahapon sa MRT 3.

Ayon sa PCO, ito ay maaaring lumikha ng panic at kalituhan.

Kaugnay dito, inabisuhan ang lahat ng netizens at iba pa na pag-ibayuhin ang pag-iingat sa pagshe-share ng impormasyon.

Matatandaang sa kabila ng bomb threat ay nagpatuloy ang normal na operasyon ng MRT-3. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author