dzme1530.ph

Defence Sec. Teodoro, humiling sa Kongreso na bigyan ng overtime at hazard pay ang mga civilian disaster at arsenal personnel

Humihirit si Defense Secretary Gibo Teodoro sa Kongreso na maglagay ng special provision sa House Bill 8980 o 2024 General Appropriations Bill para mabigyan ng overtime at hazard pay ang mga civilian disaster at arsenal personnel.

Ayon sa kalihim, ang first disaster assessment team ng Office of the Civil Defense ay walang hazard pay kumpara sa ibang empleyado ng gobyerno na mayroon gaya ng PHIVOLCS.

Dapat din aniya na maglaan ng hazard pay sa mga nagtatrabaho sa arsenal dahil sa panganib na kinakaharap ng mga ito.

Umapela rin ang kalihim na ma-amyendahan ang ilang batas para makapagpatayo ng mga ospital partikular sa mga civilian disaster at arsenal personnel ng pamahalaan. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author