dzme1530.ph

Pagkakaloob ng libreng edukasyon sa kolehiyo, dapat magpatuloy!

Iginiit ni Senador Pia Cayetano na dapat magpatuloy ang pagbibigay ng gobyerno ng financial assistance sa mga estudyante sa kolehiyo.

Ito ay sa gitna ng mga mungkahi na rebisahin na ang Free Higher Education Law.

Aminado naman si Cayetano na may merito ang posisyon nina Finance Secretary Benjamin Diokno at CHED chairman Prospero de Vera tungkol sa usapin.

Tama aniyang dapat gamitin ng maayos ang limitadong pondo ng gobyerno at suportahan ang mga deserving na mga estudyante na may academic potential at walang kakayahang pinansyal.

Kaya suhestiyon ni Cayetano na tukuyin ng gobyerno ang mga priority courses na makapagdudulot ng economic at social growth.

Gaya aniya ng mga kursong tutugon sa kakulangan ng healthcare professionals sa bansa at education courses upang magkaroon ng quality teachers sa Pilipinas.

Pero bukod sa scholarships at financial assistance ay iginiit din ng mambabatas ang paglalaan ng pondo para sa pagpapalawak at upgrade ng mga pasilidad ng mga SUC at sa pagtitiyak ng development ng mga faculty members.

Ito aniya ang pinaka cost-efficient, makatwiran at sustainable na modelo para sa state tertiary education program ng bansa. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News 

About The Author