dzme1530.ph

PCG rescuer, patay matapos malunod sa kasagsagan ng rescue operation sa La Union 

Patay ang isang Philippine Coast Guard (PCG) rescuer matapos tangayin ng rumaragasang ilog sa kasagsagan ng search and rescue (SAR) operation sa Sitio Daeng, Barangay Halog East, Tubao, La Union. 

Kinilala ang biktima na si CG Petty Officer Third Class (PO3) Ponciano Nesperos, isa mga miyembro ng Special Operations Group-North Western Luzon (SOG-NWLZN) na rumesponde sa drowning incident sa Sitio Daeng kasabay ng nagpapatuloy na sama ng panahon.  

Batay sa ulat ng PCG, pagdating sa lugar ng insidente, dahan-dahang tumawid si Nesperos para i-secure ang “safety line” sa kabilang bahagi, ngunit nawalan siya ng balanse at tuluyang tinangay ng rumaragasang ilog.  

Sinubukan siyang iligtas, ngunit wala na itong malay nang ma-recover ng PCG SAR team.  

Agad naman dinala si Nesperos sa La Union Medical Center, ngunit dito na idineklarang “dead on arrival.”  

Samantala, patuloy naman ang koordinasyon ng PCG sa mga kaanak ni Nesperos upang maibigay ang kinakailangang tulong para sa kanila. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News 

About The Author