dzme1530.ph

24 na pulis, nagpositibo sa droga simula Enero hanggang Agosto 

Dalawampu’t apat na pulis, kabilang ang sinibak na si Mandaluyong City police chief Col. Cesar Gerente at dalawang iba pang non-commissioned officers, ang nagpositibo sa iligal na droga na simula Enero hanggang Agosto, ayon sa Philippine National Police (PNP).  

Ayon kay PNP Forensic Group (FG) director Brig. Gen. Constancio Chinayog Jr., 24 mula sa 115,983 police personnel na sumailim sa initial screening sa buong bansa ang positibong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.  

Ang mga urine samples ng 24 na pulis ay isinailalim sa confirmatory test noong Agosto 26 at positive ang resulta na gumagamit ang mga ito ng shabu o marijuana. —sa panulat ni Lea Soriano 

About The Author