dzme1530.ph

North Korea, naglunsad ng panibagong missile strike

Naglunsad ng panibagong missile strike ang North Korea bilang paghahanda sa posibleng tensyon sa pagitan ng South Korea.

Nabatid na ilang beses nang sinubukan ng Pyongyang ang pagte-test ng nuclear-capable missiles para alamin kung paano nila ito magagamit sa “potential” wars laban sa Seoul at Washington.

Ayon sa North Korean military, dalawang tactical ballistic missile ang pinakawalan nila upang pag-aaralan ang “scorched earth strikes” sa major command centers at operational airfields ng South Korea.

Sinabi pa nito na ang paglulunsad nila ng missile tests ay bilang response sa pagpapalipad ng long-range B-1B bombers ng United States, na kasalukuyang may Joint Aerial Training Drill kasama ang Seoul. –sa ulat ni Airiam Sancho

About The Author