dzme1530.ph

PBBM, panahon nang magtalaga ng permanenteng kalihim sa DA

Napapanahon nang magtalaga ng permanenteng kalihim sa Department of Agriculture (DA) na kasalukuyang pinamununuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Senador JV Ejercito, ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na iregularidad sa pamumumuno ng Presidente sa ahensya.

Sinabi ni Ejercito na sa kabila ng mahigit isang taong pamamahala ni Pangulong Marcos ay tila hindi na nahiya ang mga opisyal ng DA na nagagawa pa ring maipagpatuloy ang kanilang iligal na gawain.

Samantala, aalamin naman ni Ejercito sa DA kung saan balak gamitin ng ahensya ang hinihingi nitong confidential fund para sa susunod na taon.

Iginiit ng senador na kung para ito sa kampanya laban sa mga hoarder at smugglers ay hindi niya nakikita ang pangangailangan ng pondo dahil kilala naman na anya ng mga ito ang kanilang mga dapat habulin at papanagutin. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author