dzme1530.ph

Sept. 11, idineklarang special non-working day sa Ilocos Norte para sa ika-106 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Setyembre a-11, araw ng Lunes, bilang special non-working day sa Ilocos Norte.

Ito ay para sa paggunita sa ika-106 na birth anniversary ng kanyang amang si Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa Proclamation No. 327 na may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, nakasaad na nararapat na bigyang pagkakataon ang mamamayan ng Ilocos Norte na makiisa sa okasyon at selebrasyon sa kaarawan ng dating pangulo.

Matatandaang ang namayapang Marcos ay ipinanganak sa Sarrat, Ilocos Norte noong September 11, 1917. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author