Kinilala ng United States Government ang kontribusyon ni yumaong Migrant Workers Sec. Toots Ople laban sa Human Trafficking.
Kasabay ito ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng Kalihim na sumakabilang buhay.
Sa social media post ng US Embassy sa Maynila, sinabi ni Ambassador Marykay Carlson na malaking kawalan si Ople sa kampanya ng mundo para labanan ang Human Trafficking.
Noong 2013, ginawaran ng US State Department si Ople ng Trafficking in Person Heroes Award bilang kampeon sa karapatan ng mga Filipino Migrant Workers.
Bago pa naging kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) si Ople, nakilala na ito sa pagtulong sa mga OFW sa pamamagitan ng kanyang Blas Ople Policy Center and Training Institute Inc. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News