dzme1530.ph

Nawawalang Bilibid inmate, muling naaresto sa Angono, Rizal

Nadakip muli ng mga otoridad sa Angono, Rizal ang inmate mula sa New Bilbid Prison (NBP) na unang napaulat na nawawala at kinaunan ay natagpuan umano ang bangkay na pugot ang ulo.

Sa statement, sinabi ng Bureau of Corrections na ipinag-utos na ni Director General Gregorio Catapang Jr. na imbestigahan kung paano nakatakas si Michael Cataroja mula sa NBP sa Muntinlupa City.

Isang Board of Inquiry ang binuo para alamin kung sino ang responsable sa pagtakas ng Bilibid inmate.

Si dating NBP Superintendent Angie Bautista ang unang nag-anunsyo na nawawala ang 25-anyos na si Cataroja na ikinulong dahil sa paglabag sa Anti-Fencing Law. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author