dzme1530.ph

Pag-develop sa mga base militar, mahalaga para maprotektahan ang teritoryo ng bansa —Defense Sec. Teodoro

Binigyang diin ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na kailangang i-develop ang military bases sa bansa upang matiyak ang seguridad ng teritoryo at maprotektahan ang kinabukasan nito.

Ginawa ni Teodoro ang pahayag kasunod ng kanyang pagbisita sa apat na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) Projects sa Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela at Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Sinabi ng Kalihim na ang Philippine bases na may EDCA facilities ay eksklusibo lamang sa ating “internal credible deterrent posture.”

Samantala, inihayag ni DND Spokesperson Arsenio Andolong na ang pagbisita ni Teodoro ay itinuturing na oportunidad upang ma-assess ang estado ng isinasagawang devopments sa EDCA facilities.

Aniya, ang pagbisita ay bahagi ng commitment ng DND na palakasin ang defense capabilities ng Pilipinas at mapagtibay ang relasyon ng militar at lokal na komunidad. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author