dzme1530.ph

Macadamia Nuts, natuklasang nakapagpapa alis ng Oxidative Stress

Ang Macadamia Nuts ay nagmula sa Australia subalit tumutubo na rin ito sa bansang Hawaii, New Zealand, Brazil at Costa Rica.

Sagana ito sa nutrisyon gaya ng Iron, Calcium, Magnesium, Manganese, Vitamin B at OMEGA 9 Fatty Acid.

Maliban pa diyan, taglay din ng Macadamia ang Anti-Oxidant na Tocotrienols.

Sa paliwanag, ito ang tumutulong para maalis ang mga free radicals na sanhi ng oxidative stress, na nagdudulot ng maraming sakit kabilang na ang ilang uri ng kanser, brain at heart disease. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author