dzme1530.ph

Malacañang, nagpaalala kaugnay ng paparating na long weekends sa huling 2-linggo ng Agosto

Nagpaalala ang Malacañang kaugnay ng paparating na long weekends kaugnay ng dalawang holidays sa huling dalawang linggo ng Agosto.

Alinsunod sa Proclamation no. 90, deklarado ang Aug. 21, araw ng Lunes, bilang Special non-working holiday para sa Ninoy Aquino Day.

Ibig sabihin, ang mga walang pasok ng Sabado at Linggo ay magkakaroon ng tatlong araw na pahinga.

Deklarado ring Regular holiday ang Aug. 28, araw din ng Lunes, para sa National Heroes’ Day.

Matatandaang sinuspinde na rin ng Palasyo ang klase sa all levels sa mga pampublikong paaralan at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at Bulacan sa Aug. 25, para sa pagbubukas ng FIBA World Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Dahil dito, ang mga walang pasok ng Sabado at Linggo ay magkakaroon ng apat na araw na bakasyon mula Aug. 25 hanggang Aug. 28. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author