dzme1530.ph

Suspended Cong. Arnie Teves, kinasuhan ng multiple murder sa mga pamamaslang sa Negros Oriental noong 2019

Kinasuhan ng Multiple Murder si Suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.  sa kanyang home province, ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento.

Una nang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangan munang ihain ang mga kaso sa Negros Oriental bago ito mailipat sa Maynila.

Si Teves ay isinasangkot sa pagpatay kay Michael Dungog, dating Provincial Board Member sa Negros Oriental, na pinagbabaril noong March 25, 2018 sa Dumaguete City.

Kinasuhan din ang suspendidong kongresista sa pagpaslang kina Lester Bato, bodyguard ng isang mayoral candidate noong May 26, 2019; at Pacito Libron, na umano’y hitman na iniuugnay kay Teves. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author