dzme1530.ph

8 hanggang 11 bagyo inaasahan pang papasok sa teritoryo ng Pilipinas ngayong taon

Ibinabala ng PAGASA na posibleng 8 hanggang 11 bagyo pa ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility hanggang matapos ang taon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Estoperez, dalawa o tatlong bagyo ang inaasahan nila ngayong buwan, maging sa Setyembre.

Maaari aniyang tumama ang mga bagyo sa kalupaan ng bansa na posibleng kumilos sa loob ng teritoryo ng Pilipinas sa Pacific Ocean.

Asahan din aniyang makaaapekto sa Pilipinas ang iba pang bagyong posibleng pumasok sa bansa sa huling bahagi ng taon.

About The Author