dzme1530.ph

Arci Muñoz at Bailey May, bahagi ng Miss Universe Bahrain Jury

Kabilang ang aktres na si Arci Muñoz at Singer na si Bailey May sa mga pipili ng magiging kinatawan ng Bahrain sa Miss Universe ngayong taon.

Ang dalawang Filipino personalities kasi ay bahagi ng Jury ng Miss Universe Bahrain 2023, ayon sa announcement sa Instagram page ng pageant.

Nabatid na ang Miss Universe Bahrain Organization ay pinamumunuan ng Dubai-based Filipino na si si Josh Yugen, na nagpapatakbo rin ng luxury lifestyle magazine na Xpedition.

Pag-a-ari rin ni Yugen ang franchises ng Miss Universe sa Egypt at Pakistan, base sa kanyang Instagram profile. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author