dzme1530.ph

Bahay ng dating Comelec Chairman Sheriff Abas, pinasabugan!

Walang nasawi o nasugatan makaraang pasabugan ng hindi pa tukoy na pampasabog ang pamamahay ni dating COMELEC Chairman Sheriff Abas, alas 7:50 ng umaga kanina, sa Cotabato City.

Ayon kay Barangay RH3 former Chairman at Administrator Datu Zukarno Utto, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng lalaking sakay ng motorsiklo na hinihinalaang responsable sa krimen.

Sa ulat mga sasakyang nakaparada sa loob ng compound ang tanging napuruhan sa naganap na pagsabog.

Kaugnay nito sinabi ni Chief P/Gen. Benjamin Acorda Jr, na nagpapatuloy pa ang pangangalap na impormasyon kaugnay sa insidente at inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pagpapasabog.

Ikinalungkot naman ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang balita at tinitingnan na rin nila kung may kaugnayan sa paparating na BSK Election ang nasabing karahasan. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author