dzme1530.ph

Scottie Thompson, nakabalik na sa practice ng Gilas

Nakabalik na sa practice ng Gilas Pilipinas si reigning PBA MVP Scottie Thompson para sa nalalapit na pagsabak ng koponan sa 2023 FIBA World Cup.

Ayon kay Gilas Assistant Coach Tim Cone, balik ensayo na uli si Thompson nang walang “restrictions.”

Hindi nakapaglaro ang Ginebra Superstar sa pocket tournament na ginanap sa China bunsod ng hand injury na natamo nito sa kanilang training camp sa Europe.

Bago harapin ang Dominican Republic sa opening game ng World Cup sa Aug. 25 sa Philippine Arena sa Bulacan, makakasagupa muna ng Gilas sa tune up games ang Montenegro at Mexico sa susunod na linggo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author