dzme1530.ph

QR-based system na ipapalit sa bar codes, isasailalim sa trial sa 1st quarter ng 2024

Sasailalim sa trial sa unang quarter ng 2024 ang quick response (QR)-based codes na nakatakdang ipalit sa line-based bar codes.

Sinabi ni Philippine Retailers Association (PRA) President Roberto Claudio Jr., na isa itong malaking transition dahil mas magiging efficient ang product distribution.

Inihayag ni Claudio na ang retail industry ang mangunguna sa transition sa GS1 Bar Code System mula sa 1-dimensional black and white vertical lines patungong QR Code Matrix 2-dimensional bar codes, na ipatutupad worldwide pagsapit ng 2025.

Nangangahuluhan ito na mangangailangan ang mga retailer ng bagong scanners upang mabasa ang bagong bar codes. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author