Nangangailangan ang Jordan ng libu-libong Filipino skilled workers para sa pagpapalakas ng kanilang ekonomiya.
Ayon kay Jordan Ambassador to the Philippines Jordan Wilfredo Santos, ito ang tiniyak sa kanya ni Jordanian Ministry of Labor Secretary General Farouq Al-Hadidi na magbibigay ang Jordan ng Specialized Work Permit para sa mga kukuning Pinoy skilled workers.
Para aniya mabilis na mapunan ang labor demand ng iba’t-ibang industriya ng kanilang bansa.
Kinumpirma rin ni Santos na bukod dito, kukuha ang Jordan ng karagdagang 43,000 na manggagawang Pilipino sa mga susunod na taon.
Sa ngayon, 95% ng OFWs sa Jordan ay nagtratrabaho sa household service sector.
Inaasahang magbabago ang labor demographics kapag simulan nang ibigay ang Specialized Work Permit sa Pinoy workers na magtatrabaho sa Jordan. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News