dzme1530.ph

Quezon Provincial Police Office, pinuri ni PNP Chief Acorda

Kinilala ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang Quezon Provincial Police Office sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Ledon Monte sa matagumpay na anti-drug operation sa Lucena City, Quezon Province.

Naaresto ang isang high value drug target at narekober ang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P8-M halaga ng iligal na droga sa planadong operasyon.

Kinalala ang suspek na si Alibsar Macarangkat Macasari, alyas Alvin, na residente ng GMA, Cavite at kilalang drug distributor sa naturang lalawigan.

Tinukoy ni Acorda ang mahusay na pagpaplano at execution ng operasyon, sa aplikasyon ng “modern law enforcement techniques” partikular ang paggamit ng body camera alinsunod sa Administrative Matter No. 21-06-08-SC o Rules on Body Worn Camera. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author