dzme1530.ph

Klase sa mga pampublikong paaralan para sa SY 2023-2024, magsisimula sa Aug. 29

Itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto a-29 ang pagbubukas ng klase para sa school year 2023-2024 sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

Alinsunod sa Republic Act no. 11480, ang mga pribadong paaralan naman ay maaaring magpasya na simulan ang kanilang klase anumang petsa mula unang araw ng Lunes sa buwan ng Hunyo ngunit hindi dapat lumampas ng Agosto.

Noong Mayo, matatandaang binuksan ng DepEd ang registration para sa incoming kindergarten, grades 1, 7, at 11 learners sa pampublikong paaralan sa buong bansa para sa naturang school year. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author