dzme1530.ph

Voucher program, palalawigin sa basic education system

Isinisulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapalawig ng voucher program sa basic education o mula kindergarten hanggang elementarya.

Sa ginanap na balitaan sa Maynila sinabi ni Gatchalian, na mas marami ang makikinabang kung palalawigin pa ang ipinapatupad na programa ng Department of Education na ngayon ay limitado lang sa Junior at Senior High School.

Una ng sinabi ni Dr. Vicente Paq-ueo ng grupong Student First Coalition na magreresulta ang pagpapalawig ng voucher program sa basic education system ng pantay na subsidiya sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan.

Irerekomenda rin ni Gatchalian na voucher system na lang ang ipatupad hanggang senior high school na ngayon ay gumagamit ng Education Subsidy Contracting (ESC).

Paliwanag ng Senador, hindi rin kakailanganin ng malaking pondo para sa pagpapalawig ng voucher program sa basic education system. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author