dzme1530.ph

P500 na multa sa motorcycle riders na sisilong sa ilalim ng flyovers, footbridges tuwing umuulan, ipinagpapaliban! 

Nanawagan si 1-Rider Party-List Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez sa Metropolitan Manila Developmet Authority (MMDA) na ipagpaliban ang P500 multa sa mga motorcycle rider na sisilong sa ilalim ng flyovers at pedestrian footbridges tuwing uulan.  

Ayon kay Gutierrez, dapat munang magtayo ng covered lay-bys at tents sa mga gas station at identified areas kung saan maaaring sumilong ang mga rider sakaling umulan.  

Giit pa ng mambabatas, hindi dapat magpataw ng parusa ang MMDA kung hindi pa kumpleto o naisasaayos ang plano kaugnay sa naturang usapin. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author