Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Converge ICT Solutions Inc. Chief Executive Officer Dennis Anthony Uy bilang Special Envoy to South Korea for Digital Transformation.
Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang appointment kay Uy noong July 21, 2023.
Mababatid na ang Converge ay isa sa mga nangungunang telecommunication at internet service provider sa Pilipinas.
Samantala, pinangalanan din ang abogadong si Al Perreras bilang Deputy Director General ng Bureau of Corrections.
Itinalaga rin si Erlinda Uy bilang Ad Interim member ng Judicial and Car Council, Janice Castellano bilang Director II ng Department of Information and Communications Technology, at Francisco Gabriel Remulla bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News