dzme1530.ph

Pambato ng CDO, kinoronahan bilang Miss Grand Philippines 2023

Kinoronahan bilang Miss Grand Philippines 2023 ang pambato ng Cagayan De Oro na si Nikki De Moura.

Tinalo ni Nikki ang 39 pang kandidate mula sa iba’t ibang probinsya at munisipalidad sa Pilipinas.

Matagumpay din naguwi ng korona sina: Miss Grand Second Runner-Up Charie Manalo Sergio ng Caluya, Antique; Miss Grand First Runner-Up Shanon Tampon ng Caloocan; Miss Eco Teen Philippines Francine Reyes ng Tarlac; Miss Reina Hispanoamericana Filipinas Michelle Arceo ng Bagumbayan, Quezon City; at ang controversial beauty queen na si Herlene Nicole Budol ng Angono, Rizal na nag uwi ng Miss Tourism Philippines Crown.

Ginanap ang grand coronation ng Miss Grand Philippines 2023 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, kahapon ng Huwebes, July 13, 2023. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author