Pinasinayaan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Samar Pacific Coastal Road Project sa Northern Samar.
Pinangunahan ng Pangulo ang Inauguration Ceremony sa bayan ng Palapag ngayong Biyernes ng umaga, kasama sina Dep’t of Public Works and Highways Sec. Manny Bonoan, Northern Samar Gov. Edwin Ongchuan, South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa, at iba pang opisyal.
Ang Samar Pacific Coastal Road Project ang kalsadang nagko-konekta sa mga bayan ng Palapag at Laoang.
Mayroon itong habang 11.607 kilometers at binubuo ng tatlong component bridges.
Itinayo ito sa tulong ng gobyerno ng South Korea, at inaasahang malaki ang maitutulong nito sa pagpapaganda ng transportation system at pagpapasigla ng ekonomiya sa Samar Island. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News