dzme1530.ph

Viral Video ng babaeng nag se-sexy dance sa event ng NBI, paiimbestigahan ng DOJ

Nakatakdang siyasatin ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla ang “viral video” kung saan mapapanuod ang isang babaeng sasayaw ng sexy dance sa isang event ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa ginanap na Pulong Balitaan, binanggit ni Remulla na hindi niya nagustuhan ang kumakalat na video kung saan sangkot ang ahensya ng pulisya kung kaya’t tiniyak ng kalihim na titingnan niya ang mga posibleng pananagutan ng mga opisyal na kasama sa naturang event.

Giit pa ni Remulla, wala silang sasantuhin dahil ang ganitong uri ng “misbehavior” ay hindi dapat na kinukunsinti bagkus kung sino ang dapat na managot ay mananagot.

Sa viral video, makikita ang isang babae na nakasuot ng maikling pang-ibaba, at nagsasayaw ng sexy habang lumalapit sa ilang opisyal at mga kawani NBI sa isang command conference sa isang hotel kamakailan.

Sa ngayon, walang pang inilalabas na pahayag ang NBI kaugnay ng naturang viral video. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author