dzme1530.ph

Gobyerno at pribadong sektor, dapat magtulugan para mabawasan ang negatibong epekto ng El Niño

Ipinaalala ni Senador Loren Legarda na seryoso ang epekto ng El Niño sa bansa at nangangailangan ng agaran at desididong aksyon.

Ipinaliwanag ng senadora na malaki ang epekto ng tagtuyot sa food security, ekonomiya at maging sa overall well-being ng mamamayan.

Dahil dito dapat magpatupad ng mga hakbangin ang gobyerno upang mabawasan ang epekto nito, pangunahan ang promosyon ng climate-resilient practices, tiyakin ang pantay-pantay na alokasyon ng resources at magkaroon ng regional at international collaboration upang agad maresolba ang mga problemang dulot nito.

Dapat anyang magtulungan ang gobyerno at pribadong sektor sa pagharap sa negatibong epekto ng El Niño at kailangan bigyang prayoridad ang water supply at food security bukod pa sa pagtiyak ng pagpapatupad ng adaptation program upang mabawasan ang epekto nito sa mga magsasaka at mangingisda na kadalasang tinatamaan ng problema sa klima.

Hindi man anya natin kayang pigilan ang El Niño ay may magagawa naman ang lahat upang matiyak ang water at food supply para sa mamamayan sa pamamagitan ng whole-of-government at whole-of-nation approach. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author