Walang planong magbitiw sa pwesto si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ayon sa opisyal, ang kanyang panunungkulan sa DOJ ay nakadepende sa kagustuhan at tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pero kung kalusugan na aniya niya ang pag-uusapan ay kinumpirma nito na hindi ito magiging sagabal.
Bagamat kinakailangan niyang mag ingat at magdahan-dahan sa mga physical activities ay nanatili aniya ang kanyang commitment sa kanyang trabaho.
Malilimitihan man aniya ang pagpunta niya sa opisina ng DOJ, ay magpapatuloy naman ang kanyang pakikipag usap sa nasasakupan sa pamamagitan ng video conferencing.
Nabatid na sumailalim sa heart bypass surgery si Remulla dahil sa baradong ugat sa kanyang puso kaya ito nag-file ng 10-day wellness leave kamakailan. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News