dzme1530.ph

TARGET REVENUE NGAYONG 2022, NALAGPASAN NG ADMINISTRASYON

Nalagpasan ng administrasyon ang target revenue ngayong 2022.

Ayon sa Office of the Press Secretary, batay sa datos ng Department of Finance (DOF) ay pumalo na sa kabuuang 3.2 triliyong piso ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau Of Customs (BOC).

Mas mataas ito ng 2.2% sa full-year 2022 target ng Development Budget Coordination Committee.

Bukod dito, ipinagmalaki rin ang pinangasiwaang grants at technical assistance ng DOF na umabot sa tinatayang 85.5 milyong dolyar.

Patuloy ding isusulong ng gobyerno ang key measures tulad ng Excise Tax sa Single-Use Plastics, Value Added Tax sa Digital Service Providers, at Public-Private Partnership.

About The Author