dzme1530.ph

3 KATAO, PATAY MATAPOS MAHULOG ANG ISANG BUS SA ILOG SA GITNA NG CHRISTMAS EVE SA SPAIN

Patay ang tatlong katao habang apat ang nawawala matapos mahulog sa ilog ang isang pampasaherong bus sa gitna ng Christmas Eve sa Spain.

Batay sa ulat, bumabiyahe sa gitna ng Lugo at Vigo City ang Monbus Coach lulan ang siyam na katao ng bigla itong dumulas sa kalsada sa bahagi ng tulay at nahulog sa Lerez River.

Tatlo na ang kumpirmadong patay habang apat pa rin ang nawawala na natangay nang malakas na agos ng tubig.

Dalawa naman ang na-rescue na dinala na sa ospital.

Pahirapan pa rin ang Search and Rescue Operations dahil sa masamang panahon.

About The Author