dzme1530.ph

Sen. Imee, aminadong nalilito na sa kampanya ng DOT sa turismo

Aminado si Senator Imee Marcos na maging siya ay nalilito sa kampanya ng Department of Tourism (DOT) para sa turismo sa bansa.

Sinabi ni Marcos na sa pabago-bagong slogan ay hindi na rin alam ng publiko kung ano ang magiging kampanya.

Inamin din ng senador na maging siya ay napaniwala sa promotional video ng DOT para sa bagong slogan ng bansa na “LOVE THE PHILIPPINES.”

Sinabi ng mambabatas na inakala niya noong una ay nag-level up na ang sand dunes na matatagpuan sa Paoay, Ilocos Norte.

Napatanong pa aniya siya kung saan banda sa kanilang lalawigan ang ipinakita sa video dahil sadyang maganda pero sa huli ay nalaman niyang hindi pala ito sa Pilipinas.

Tumanggi naman si Senator Marcos na magbigay ng payo sa DOT dahil ayaw na nitong dumagdag pa sa mga kritiko at basher ng ahensya. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author