dzme1530.ph

2 pelikula ni Vilma Santos, ire-restore ng FDCP

Nakipag-tie up ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Regal Entertainment para sa restoration ng dalawang pelikula ni Vilma Santos.

Kinabibilangan ito ng “Sister Stella L.” ni Mike de Leon at “Relasyon” ni national artist Ishmael Bernal.

Sinabi ng Film at TV Director na si Jose Javier Reyes na naghahanap pa sila ng mga pelikulang ire-restore dahil nakapanghihinayang na marami ang nawala na dahil hindi naalagaan.

Samantala, inanunsyo rin ng Reyes na technical adviser ng FDCP, na plano nila na mag-sponsor ng “Filipino Film Block” sa Hong Kong International Film and TV Market (FILMART) sa March 2024. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author