dzme1530.ph

DOH Sec. Ted Herbosa, isa sa mga unang nakatanggap ng bivalent vaccine

Nahilo makaraang makatanggap ng bivalent vaccine si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa.

Nabatid na isa si Herbosa sa mga unang nakatanggap ng bivalent vaccines, sa launching ng nasabing bakuna sa Philippine Heart Center, kaninang umaga.

Matapos maturukan ay pinaupo muna at pinagpahinga ang bagong talagang DOH Secretary na napag-alamang tumaas ang presyon.

Ito ang ika-limang beses na nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 si Herbosa, bukod sa kaniyang natanggap na bivalent vaccine, naturukan na ang DOH official ng 2 primary vaccine, at 2 booster shot.

Matatandaang, Hunyo a-3, nang dumating sa bansa ang nasa 390,000 doses ng COVID-19 bivalent vaccines na donasyon ng gobyerno ng Lithuania sa Pilipinas. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author