dzme1530.ph

PBBM, muling umapela sa publiko na magpabakuna kontra COVID-19

Muling nanawagan ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 at magpaturok ng booster shots upang magkaroon ng dagdag na proteksiyon laban sa sakit.

Sa ginanap na launching ng bivalent vaccination sa Philippine Heart Center, inihayag ng pangulo na kahit hindi na matindi ang sintomas at masasabing humupa na ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay nananatili pa rin sa paligid ang virus.

Binigyang diin din nito na malaki ang maitutulong ng bakuna upang mapasigla ang sitwasyon at laban ng bansa kontra sa COVID-19.

Umaasa aniya ito sa DOH, partikular kay Health Sec. Ted Herbosa na mapalalakas nito ang kampanya ng pamahalaan sa pagbabakuna. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author