dzme1530.ph

TVJ, pormal nang pumirma ng kontrata sa TV5

Pormal nang pumirma ang trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ng kontrata sa MediaQuest Holdings Incorporated para sa kanilang bagong noontime show na nakatakdang umere sa July 1.

Sa press conference ng TVJ kasama ang network executives, pinapahula nila sa fans kung ano ang sa tingin nila ang title ng kanilang bagong programa.

Ayon kay Vic Sotto, kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin niya pa rin na “Eat Bulaga” ang title ng show dahil si Joey naman daw talaga ang nag isip noon.

Sinabi naman ni Tito na kasalukuyan na nilang pinoproseso ang copyright ng naturang show title.

Gayunman, nagpahayag ng kanilang mainit na pagtanggap ang pamunuan ng MediaQuest at TV5 sa buong dabarkads family at tiniyak na magugustuhan ng buong barkada ang kanilang bagong pamilya.

Matatandaang una nang inanunsyo ng GMA Television na ililipat na sa kanilang network ang isa pang noontime show na Its Showtime ng ABS-CBN, na dati ay nasa TV5, para bigyang-daan ang programang niluluto para sa TVJ sa kaparehong timeslot. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author